DELETED na sa Facebook account ni Mr. Ronald Adamat, ng Commission on Higher Education, ang photos sa first birthday ng bunsong anak ni Cesar Montano na ipinost ng opisyal. Deleted na rin daw ang video greetings ni Cesar para sa isang kagawad ng Sta. Ana, Manila, na nag-viral dahil sa hubo’t hubad na babaeng lumitaw sa likuran ng aktor habang kinukunan ang video.

Cesar Montano

Kaya lang, kumalat na ang photos sa birthday ng anak ni Cesar at maging ang kontrobersiyal ngayong video greetings, at na-share na sa maraming tao. May parody na nga na ginawa si Sam YG kasama si DJ Tony Toni, na siyang nakahubad sa likod, gaya ng sa video.

Hindi naman siguro magagalit sa kanila si Cesar, dahil katuwaan lang ang ginawa ng dalawa. Hindi rin siguro siya magagalit sa mga nag-comment sa nasabing video ng dalawang DJ, na kinabibilangan nina Solenn Heussaff, Diana Zubiri, Billy Crawford, Giselle Sanchez at iba pang celebrities.

Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

Sinugod na nga si Cesar sa Instagram account niya at may nag-comment na dapat siyang magsalita sa kumalat na video niya. Kinakaawaan kasi ang babae, na ngayon ay hinahanap ng mga netizens at hindi magtatagal ay posibleng makilala na siya. Gustong malaman ng mga nakapanood sa video if she’s the same girl na ina ng batang babae na nag-birthday, o iba pa.

Maganda ang comment na: “I feel so bad for the girl that was filmed unintentionally. Ugh, napaka-careless naman, Sir!”

Mayroon ding nagalit: “Kapal ng mukha mo ‘di ka na nahiya sa mga anak mong mga babae. Grabe ka, mga outstanding pa naman sila sa klase, makasarili kang tao. Babaero ka!”

Habang may dalawang kontrobersiyang hinaharap ngayon si Cesar, ang ex-wife niyang si Sunshine Cruz at tatlo nilang anak ay nag-e-enjoy sa bakasyon nila sa South Korea

-NITZ MIRALLES