Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 10 Pilipinong seaman ang bihag ngayon ng mga hinihinalang pirata, na nang-hijack sa dalawang barko sa Gulf of Guinea.

Sa ulat ni Ambassador to Nigeria Shirley Ho-Vicario kay Foreign Affairs Secretary Teodoro L. Locsin Jr., dalawang Pinoy seaman na sakay sa Liberian-flagged container ship ang kabilang sa 11 tripulante na dinukot ng mga piratang sumampa sa kanilang barko nitong Sabado, Oktubre 27.

Sinabi ni Vicario na walo pang Pinoy seaman na sakay sa Panamanian-registered tanker, kasama ang siyam na crew members, ang nawawala matapos ma-hijack ng mga pirata ang kanilang barko nitong Lunes, Oktubre 29.

Ayon kay vacario, ginagawa ng Embahada ng Pilipinas ang lahat upang matukoy ang kinaroroonan ng 10 Pinoy at matiyak ang ligtas na pagpapalaya sa kanila.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Hindi pa malinaw kung ang 10 ay dinukot ng parehong grupo ng mga pirata na kumidnap sa pitong Pinoy sa isang Swiss-flagged vessel sa Nigeria nitong Oktubre, na pinalaya nitong Linggo, Oktubre 28.

-Bella Gamotea