SUNUD-SUNOD ang pasabog ni Cesar Montano these days, dahil pagkatapos na lumabas ang photos sa first birthday ng anak niyang babae sa partner niya ngayon, sumunod namang lumabas ang video ng birthday greetings niya para sa isang kaibigan.

Cesar lang po copy

Habang nagbi-video si Cesar at binabati ang isang kagawad na taga-Santa Ana, Manila, biglang may lumitaw na babae sa likod niya. Nakakaloka at nagulat ang mga nakakita sa video dahil hubo’t hubad ang babae habang naglalakad.

Makikita sa video na alam ng babae na nagbi-video si Cesar dahil tumingin pa ito sa kinatatayuan ng aktor, na tuloy lang sa pagsasalita. Hindi lang malinaw kung alam ng babae na nahagip siya ng camera.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Dahil sa video—na viral na ngayon—marami ang interesadong malaman kung sino ang babaeng hubad at kung saan kuha ang video? Bahay ba ‘yun ni Cesar o bahay ng girl?

Marami rin ang nainggit sa kaibigan ni Cesar na binati nito at pinadalhan ng nasabing video, dahil may malaking bonus ang birthday greetings sa kanya—ang pag-eksena ng babaeng hubad sa likod ni Cesar.

-NITZ MIRALLES