ISANG lalaki na matagal nang naghahanap ng mapagkakatian habang nag-aalaga sa kanyang magulang ang sa wakas ay nakamit na ang kanyang kahilingan sa tulong ng Bureau Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Si Michael Nono, na dating mangingisda, ay isa lamang sa mga nabiyayaan ng fish snack cart, isang tulong pangkabuhayang prayoridad na proyekto ng BFAR na nagkakahalaga ng P10,000.
“I have to attend to my parents who are now old,” sabi niya sa wikang Kiniray-a.
Aniya, dahil sa pagpalaot sa dagat para mangisda, kalimitan siyang malayo sa kanyang mga magulang.
Ngayon, si Nono, 40, na lamang ang nag-aalaga sa kanyang mga magulang, kailangan aniyang magsakripisyo nang walang hanapbuhay at pera.
“I really wanted to have a job which could also provide me an income but that it should only be within Barangay Idio,” aniya.
Ayon kay Nono, natutuwa siya na kabilang siya sa mga makatatanggap ng pangkabuhayang tulong.
Natanggap na ni Nono ang kanyang fish cart mula kina Senador Loren Legarda at BFAR Provincial Fisheries Director Lorna Angor sa turn over ceremony sa Evelio B. Javier Gymnasium, San Jose de Buenavista, kamakailan.
Unang natanggap ng mga benepisyaryo ang mga food supplies, na nagkakahalaga ng P10,000, para sa kikiam, squid, at mg gamit panluto mula rin sa BFAR at sa Office of the Provincial Agriculture.
“I am now earning PHP500 daily because of what I am selling,” aniya.
Pagbabahagi ni Nono, masaya siya na mayroon na siyang kinikita para sa sariling pangangailangan at sa kanyang mga magulang.
Sa pagbabahagi ni Senior Aquaculturist of the Office of Provincial Agriculture (OPA) Alletth Gayatin, nasa 30 mahihirap na mangingisda ang makikinabang sa proyekto sa kanilang probinsiya.
Kabilang sa mga benepisyaryo ay nanggaling sa mga bayan ng Anini-y, Belison, Bugasong, Laua-an, Culasi, Sebaste at Libertad na may dalawang benepisyaryo; Tobias Fornier, Hamtic, San Jose de Buenavista at Sibalom, Barbaza, Tibiao at Pandan.
PNA