Pansamantalang itinigil ang operasyon ng Cauayan airport sa Cauayan City, Isabela matapos na masira ang bubungan ng passenger area ng paliparan dulot ng bagyong “Rosita”.
Ito ang ipinahayag kahapon ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesperson Eric Apolonio. Aniya, nagpadala sila ng mga tauhan sa lugar upang magsagawa ng assessment sa pinsalang natamo ng paliparan.
Bukod sa Cauayan airport, sinabi nito na nasira rin ang bahagi ng Bagabag airport sa Nueva Vizcaya.
Sa Cagayan Valley region, aniya, tanging ang Tuguegarao airport ang may normal na operasyon, habang ang Lingayen airport naman sa Region 1.
-Bella Gamotea