ANG Kapuso young star na si Therese Malvar lang yata ang kauna-unahang actress in Philippine cinema na nagkamit ng best supporting actress award sa dalawang pelikulang ginawa niya at entry sa Cinemalaya Film Festival noong August. Yes, dalawang movies, ang Distance at School Service ay parehong pumasok sa festival at tie ang nakuha niyang award, kinalaban niya ang sarili niya. Wala raw itulak-kabigin ang mga jurors sa acting ni Therese, kaya pinanalo nila ng award sa dalawang pelikula.

“I feel humbled and thankful po,” sabi ni Therese sa pocket interview na ibinigay ng GMA Artist Center sa kanya. “Pero isa po lamang ang trophy.”

Kababalik lamang ni Therese from attending the 2018 Tokyo International Film Festival sa Japan, dahil kinatawan siya ng pelikula nilang Distance kasama ang mga direktor na sina Jun Robles Lana at Perci Intalan. Hindi ito kasali sa competition dahil ipinasok ito sa Asian Future Section, pero sa November 2, pa ang awards night. First time ni Therese sa Japan, nakapasyal ba siya?

“Opo, four days po ako roon at sinamahan ako nina Direk Jun na pumasyal sa magagandang lugar sa Tokyo. Parang birthday gift na po nila sa akin iyon.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Debut ni Therese sa Saturday, November 3, sa Sequioa Hotel, a gift from GMA Artist Center.

“Actually noon pa pong September 16 ang 18th birthday ko, at gusto ko talagang mag-celebrate, kaya lamang wala pong time, busy ang schedule, pero nang malaman po nila, ituloy ko raw at gift na nila sa akin iyon. Sila rin ang nagtanong kung sino raw ang gusto kong escort, sabi ko p’wede po ba si David Licauco? At tinupad po nila kaya kinilig ako. Happy crush ko po kasi si David.”

May isa pa raw siyang crush si Khalil Ramos kaya biniro si Therese na lagot siya sa kapwa Kapuso na si Gabbi Garcia, na boyfriend na si Khalil. Hindi, noon pa raw niya crush si Khalil pero hindi na ngayon.

Celestial ang theme ng debut ni Therese na siya lahat ang nag-conceptualized. Mahilig daw kasi siya sa stars, at kahit ang gown na isusuot niya, parang may clouds daw sa laylayan, nag-fitting na raw siya at natupad naman ang gusto niya sa gown.

Invited niya ang mga naging direktor niya gaya nina Ricky Davao, Joey Reyes, Dan Villegas, mga aktor na nakasama niya sa Legally Blind, at sa halip na 18 candles, 18 stars daw ang ibibigay ng 18 guests niya like Janine Gutietterez, Lauren Young at iba pang mga kaibigan. Nahihiya raw siyang mag-invite ng ibang artista dahil long weekend at naiintindihan niya kung nasa bakasyon sila.

May advanced birthday gift na rin si Therese, dahil magsisimula na silang mag-taping ng isang heart-warming drama, ang Inagaw Na Bituin na magtatampok sa kanila ni Kyline Alcantara at isang powerhouse cast na kinabibilangang nina Sunshine Dizon, Gabby Eigenmann, Marvin Agustin, Angelika dela Cruz, Angelu de Leon, Renz Valerio. Mapapanood ang drama sa GMA Afternoon Prime, sa direksyon ni Mark Reyes

-NORA V. CALDERON