Nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang iniulat na P25 wage hike para sa Metro Manila ay hindi pa pinal dahil kailangan pa itong aprubahan ng National Wage and Productivity Commission (NWPC).

Ayon kay Bello, tatalakayin pa ng NWPC ang nasabing umento, na inaprubahan ng regional wage board.

Sa ngayon, aniya, hindi pa nagsusumite ng rekomendasyon ang Regional Tripartite Wage and Productivity Board para sa pagkakaloob ng dagdag-sahod.

Ang umentong P25 ay mas mababa sa P334 na isinusulong ng mga petitioner.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kaugnay nito, umapela naman ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) laban sa kakarampot na umento, at iginiit na hindi sapat ang karagdagang P25 para makaagapay ang mga manggagawa sa patuloy sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa nakalipas na mga buwan.

“Saan aabot ang P25? Hindi pa nito mabibili ang dati na naming binibili bago pumasok ang 2018,” ani Leody De Guzman, chairman ng BMP, at kandidato para senador.

-Mina Navarro at Bella Gamotea