SEOUL (AFP) - Sinasamantala ng mga pulis at iba pang opisyal sa North Korea ang mga babae nang walang pananagutan, sinabi ng isang rights group kahapon, sa bibihirang pag-uulat sa sex abuse sa ermitanyong nasyon.
Kinapanayam ng US-based Human Rights Watch ang mahigit 50 tumakas na North Korean na nagdetalye ng rape at iba pang pang-aabuso na ginagawa ng security officers gaya ng border guards, at maging ng civilian officials.
Ang mga babaeng North Korean na nahuling tumatakas sa bansa patungong China o mga pinabalik mula sa mga katabing bansa ay humaharap sa matinding parusa kabilang ang torture, pagkakakulong at sexual abuse, saad sa ulat.
‘’Every night some woman would be forced to leave with a guard and be raped,’’ sinabi ng isang biktima na nasa edad 30 anyos na minsang ikinulong sa border detention centre.
Ang ilang interviewees ay nagkuwento tungkol sa mga biktima ng rape sa North na pinatatalsik sa unibersidad o binugbog at inabandona ng asawa dahil sa paghahatid ng kahihiyan sa eskuwelahan o sa kanilang pamilya.
‘’Sexual violence in North Korea is an open, unaddressed, and widely tolerated secret,’’ sinabi ni HRW executive director Kenneth Roth.