Disiplina at teamwork sa Warner TV ‘Beyond the Hoop’
NI EDWIN ROLLON
KUNG may kabuluhan ang salitang ‘Volunteerism’ , nararapat na bigyan nang pansin ang Youth Sports Advocacy Philippines, Inc.
Bakit? Ito lang naman ang puhunan ng YSA na itinatag ni Toni Faye Tan, dating collegiate volleyball player at ngayo’y isa nang ganap na abogado matapos ang mahabang panahong pagsusunog ng kilay sa San Beda Law School.
“Of course, volunteerism is the foundation of the group. Ito talaga ang nais naming maparating sa mga batang tinuturuan namin para sa kanilang paglaki, may puwang sa puso nila na maging volunteer din kahit sa anung aspeto basta makatulong sa kapwa,” pahayag ni Tan, kilala bilang ‘coach Toni’.
Sa isinagawang Warner TV ‘Beyond the Hoop’ – ang outreached grassroots sports program ng YSA sa pakikipagtulungan ng Warner TV – naging matagumpay ang halos isang buwang pagtuturo sa mga kabataan sa sports na volleyball at basketball dahil sa mga ‘volunteer’ na tumulong kay coach Toni.
“Without them (volunteer) hindi tayo magtatagumpay dito,” sambit ni coach Toni.
Kabuuang 150 estudyante ng Fortune Elementary and High School sa Marikina City ang nakinabang sa libreng pagtuturo. Ngunit sa Warner TV ‘Beyond the Hoop’ hindi lamang kaalaman sa basic ng sports na volleyball at basketball bagkus disiplina at teamwork na magagamit sa pangaraw-araw na pamumuhay ang isiniksik sa kamalayan ng mga batang atleta.
Batang kalsada
Tadhana para kay coach Toni ang dahilan sa pagbuo niya ng YSA.
“When I was in college, yung dormitory naming pagsilip mo kalsada na. One time, nakita ko may dalawang bata na naglalaro ng bola. Masaya sila kahit hindi nila alam ang tamang paglalaro ng volleyball. So, dahil wala pa naman akong ginagawa, binaba ko sila at tinuruan ng konti sa basic ng volleyball,” gunita ni coach Toni, miyembro ng University of the Philippines volleyball squad sa UAAP.
“After a while, nagulat na lang ako from two kids, dumami yung mga bata at lahat gustong magpaturo. So, sabi ko, dahil madami kayo, huwag na muna tayong maglaro, magkuwentuhan muna tayo. So, ang dami kong natutunan sa kanila. Kaya sabi ko pag may chance I volunteer para magturo sa mga bata,” aniya.
“Ang sarap sa pakiramdam na yung mga natutunan mo, naibabahagi mo sa iba lalo na sa mga bata na talaga namang determinado na umunlad sa gusto nilang makamit sa buhay,” sambit ni coach Toni.
Tulong mula sa Warner TV
Sa pamamagitan ng Youth Advocacy Philippines, Inc., at pakikipagtulungan ng Warner TV, isinagawa ang ‘Beyond the Hoop’ project kung saan sumailalim sa masinsin na pagsasanay ang mga batang kalahok sa mahigit na isang buwan pagtuturo at pagsasanay.
“Today is the culmination of the group’s learning and training for more than one month. After waking up early for training then going to school for their studies, makikita natin sa mga bata kung hanggang saan yung natutunan nila,” pahayag ni coach Toni, founder at president ng YAP.
Taliwas sa pangkaraniwang ‘sports camp’ kung saan kailangan magbayad ng mga kalahok para matutunan ang sports na nais nila, ang ‘Beyond the Hoop’ program ay libre para sa mga kalahok na tunay na magpapakita nang determinasyon na matuto at umangat sa sports.
“Yung mga bata, hindi lang sila sinasanay sa laro, but we build their character through hardwork, determination and discipline. After this training, I’m sure yung natutunan nila madadala nila sa bahay, sa eskwelahan at sa pakikisalamuha sa kapwa,” pahayag ni coach Toni, naging miyembro rin ng RC Cola sa commercial league
“Marami kaming dapat pasalamatan. The barangay executive for helping us to get the permission of the parents. The school administration for allowing us to use the school as venue and of course to Warner TV for believing on us,” sambit ni Tan.
Ikinalugod naman ng Warner TV ang matagumpay na pagsasagawa ng programa na anila’t naaayon sa plataporma ng kompanya na nakalinya sa sports development program.
“We’re here today at the Warner TV ‘Beyong the Hoop’ partnership with Youth Sports Advocacy Philippines training program were we have under privilege kids and guide them through a boot camp so that we’re impart values of teamwork, discipline, respect and hardwork,” pahayag ni Jia Salindong-Du, Warner TV Country head.
Tulad ni Tan, isa ring dating atleta si Jia bilang miyembro ng basketball team ng Ateneo de Manila.
“So this is partnership with YSA and we provide resources. We also help them gathered volunteer,” pahayag ni Jia.
“We give awareness through our social media promotion we called the ‘Dunking Challenge’. They can post their picture in athletics pose and tag us so we can spread the world about the program.
“We inspired by our No.1 show the ‘Dunk King’ were we feature athlete from obscurity to popularity,” aniya.
Matibay ang pundasyon at matatag ang tambalan ng YSA at Warner TV. At ngayon pa lamang, naghahanda na sila para sa susunod na programa. Panawagan: kailangan nila ng volunteer.