BUKOD sa isyu sa mga kumakandidato na may mga kinakaharap na kasong criminal, hiniling din ng Commission on Elections (COMELEC) Law Department ang pagdiskwalipika sa kandidatura ng lawyer at university professor na si Angelo De Alban para sa 2019 senatorial candidates.

Angelo De Alban copy

Batay sa petisyon, nararapat umanong idiskwalipika si De Alban na isang ‘nuisance candidate’ bunsod ng kakulangan sa ‘bona fideintention to run for office” at “financial incapacity”.

National

Lalaking napagkamalang magnanakaw, patay nang kuyugin

Ikinagulat naman ni De Alban ang presensiya ng petisyon para sa kanyang diskwalipikasyon.

 “Because I’m just a teacher and a lawyer, I’m already a nuisance candidate?” pahayag ni De Alban. “Ang baba naman ng tingin nila sa pagiging guro at abugado. ‘Wag naman,” aniya.

Ayon kay De Alban, hindi makatwiran na gamitin laban sa kanya ang kanyang propesyon.

Nakasaad sa petition ng COMELEC na hindi ang propesyon ni De Alban ang dahilan bagkus ang katotohanan na wala siyang kakayahan ang isustina ang malawakang kampanya dahil sa kakulangan ng isang matatag na makinarya at kawalan ng apat na pondo.

“Just after Commissioner Guanzon stated in an interview that money is not the sole issue but the qualification of the candidates, they filed this disqualification case,” pahayag ni De Alban. “We will fight this.”

Bahagi ng plataporma ni De Alban ang pagpapatag ng education, agriculture, health and housing para sa mahihirap at ang muling pag-aaral sa Train Law.

“I’ve been going around the country, even abroad, consulting various groups for my legislative agenda. Paano nila nasabi na hindi ako seryoso sa pagtakbo?” pahayag ni De Alban. “Makikitanamannila ‘yansa Facebook account ko.”

Iginiit ni De Alban na nabigay ng suporta sa kanya ang Manila Council of Leaders na pinamumunuan ni Tomas D. Jaldo, Jr.

 “Ang buong pamunuan at nasasakupan ng aming samahan ay buong pusong nagkakaisa at sumusuporta sa kandidatura ni Atty. Angelo De Alban sa pagka-senador,” ayon kay Jaldo.