ZAMBOANGA CITY - Napatay ng militar ang dalawang umanong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa isang sagupaan sa bulubundukin ng Panglima Estino, Sulu, nitong Martes ng umaga.

Ito ang ipinahayag ni Armed Forces of the Philippines- Western Mindanao Command (AFP-WesMinCom) Spokesman Army Lt. Col. Gerry Besana.

Aniya, nag-o-operate ang militar sa Barangay Lihbog Kabaw, Panglima Estino, Sulu nang makasagupa nila ang mga bandido, dakong 5:08 ng madaling araw.

Ang naturang grupo ay pinamumunuan umano nina Radullan Sahiron, Idang Susukan at Almujer Yadah. Hindi pa matukoy ng military ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay na bandido.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Dalawa ring baril ng mga bandido ang nasamsam ng military sa pinangyarihan.

“I commend the troops of the Joint Task Force Sulu for the unrelenting efforts to eradicate the menace of society,” sabi naman ni AFP-WesMinCom Commander Lt. Gen. Arnel Dela Vega.

-Nonoy E. Lacson