PINAGKALOOBAN ng United States ng Congressional gold medal ang nasa 29 na Pilipinong beterano para sa kanilang katapatan, kagitingan at sakripisyo para sa pagtatanggol ng kalayaan at hustisya sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

“The congressional gold medal is given to the Filipino war veterans in recognition of their dedicated service, and selfless sacrifice during the war,” pahayag ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim, sa isang seremonya sa Philippine Military Academy (PMA) nitong Sabado.

“This declaration is awarded to an individual or unit who performed outstanding deed or act of service to the security, prosperity, and national interest of the United States,” paliwanag ng Ambasador.

Idinagdag din ni Kim na ang gintong medalya ang pinakamataas na ibinibigay na pagkilala mula sa US Congress para sa katangi-tanging napagtagumpayan at kontribusyon ng mga beterano.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Mga Bible verse na puwedeng maging kalakasan sa araw-araw

Ang pinagsamahang karanasan sa pakikipaglaban sa mga hapon noong panahon ng WWII ay nagbigay, aniya, ng “special relationship” sa dalawang bansa.

Kabilang sa mga beteranong pinarangalan ng Congressional gold medal ay sina centenarian Corporal Cato Pulac ng La Trinidad; Corporal Rizalino Alingbas, 95, ng La Trinidad Benguet; Sergeant Angelo Andrada, 92, ng Baguio City; Private Camilo Atas, 94, ng Buguias, Benguet; Private First Class Mateo Bakian, 92, ng Atok Benguet; Private Cosme Baltazar,94, ng Kayapa Nueva Vizcaya; Private First Class Tuacan Barian, 97, ng Kapangan Benguet; Private First Class Timoteo Boado, 90, ng Baguio City; Private Alberto Bugtong, 93, ng Itogon Benguet; Private Camilo Bugtong, 93, ng Itogon Benguet; Private First Class Graciano Clavano Jr., 89, ng Central Baguio City; Private Pio Doro, 92, ng Kapangan Benguet; 2nd Lieutenant Wilfredo Estandian, 96, ng La Trinidad Benguet; Private Pedro Hipol, 91,ng Bauang La Union; Private Magno Lamsis, 94, ng La Trinidad Benguet; Private Vicente Madarang, 92, ng Rosario, La Union; Private Ernesto Luis, 91; Private Enrique Sobrepena Jr. ng Carmona Cavite; Major Jaime Tabernero, 97, ng Rosario La Union; Corporal Jose Tadifa, 97, ng San Fernando City, La Union; Sergeant Jose Tiangao, 93, ng Itogon Benguet; Private Garcia Wakit, 92, ng Sablan Benguet; Private Salvador Yapyapan, 93, ng Balaoan, La Union; at si Private First Class Orlando Pimentel, 94, ng Bakakeng, Baguio City.

Iginawad din ang Posthumous award sa pamilya ni General Vicente Lim; LTC Pastor Martelino, 1Lt. Francisco Paraan at 3Lt. Jose San Juan.

Ito ang ikalawang serye para sa pagbibigay ng Congressional gold medal. Ang unang pagkilala ay ibinigay sa 13 beterenaryo sa US Embassy sa Maynila, habang ang susunod na pagpaparangal ay idaraos sa Lingayen, Pangasinan sa Nobyembre 13, na susundan ng pagpunta sa mga probinsiya kung saan matatagpuan ang mga beterano

PNA