WELLINGTON (Reuters) – Isang makasaysayang 11-member deal na magbabawas ng taripa sa malaking bahagi ng Asia-Pacific ang magkakabisa sa katapusan ng Disyembre, sinabi ng New Zealand nitong Miyerkules.

Umabante ang kasunduan matapos ang Australia ay naging ikaanim na bansa na pormal itong niratipikahan, kasama ang Canada, Japan, Mexico, New Zealand at Singapore.

“This triggers the 60 day countdown to entry into force of the Agreement and the first round of tariff cuts,” sinabi ni New Zealand Trade and Export Growth Minister David Parker.

Tinatawag na Comprehensive and Progressive Agreement for Trans-Pacific Partnership (CPTPP), babawasan ng deal ang mga taripa sa mga ekonomiya na bumubuo sa 13 porsiyento ng global gross domestic product (GDP) – katumbas ng $10 trillion.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang lima pang bansa na magpapatibay sa kasunduan ay ang Brunei, Chile, Malaysia, Peru, at Vietnam.