MARAMING puna ang ilang netizens sa bagong dabarkads-host ng Eat Bulaga na si Maureen Wroblewitz, na parang basta na lang daw isinalang sa hosting.

Maureen copy

Pinansin din ng netizens ang kahinaan ni Maureen sa pagsasalita ng Filipino para maka-relate sa audience. Naging problema na ito ng maraming Fil-Am discoveries, kaya hindi umusad ang kani-kanilang respective careers. Kaya ang payo kay Maureen, aralin mula niya ang pananagalog.

Problema rin ang family name ng Filipina-German model, na bukod sa mahirap i-spell ay mahirap ding bigkasin.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Welcome naman kay Maureen ang mga komento, lalo na dahil makatutulong ang mga ito sa kanyang propesyon. Gusto din niyang mag-take ng hosting workshop.

Si Maureen ang kauna-unahang Pinay na nanalo sa Asia’s Next Top Model.

Kasabay nito, ikinatuwa pa rin ng marami ang pagpasok ni Maureen sa Eat Bulaga, dahil naniniwala silang napapanahon na para magkaroon ng fresh young blood ang longest-running variety show sa telebisyon.

-Remy Umerez