PITONG achievers ang kinilala bilang mga bagong National Artist ng bansa sa seremonyang ginanap sa Palasyo ng Malacañang kamakailan. Isa sa kanila si Maestro Ryan Cayabyab, na hindi makapaniwalang tinanggap niya ang National Artist for Music award, na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-abot.

“It is unexpected at taos-puso akong nagpapasalamat sa mga taong kumikilala sa naging kontribusyon ko sa sining ng musika,” sabi ni Maestro Ryan, who penned Kay Ganda ng Ating Musika.

Personal din siyang binati ni Finance Undersecretary Tony Lambino, dating miyembro ng grupong Smokey Mountain, na binuo ni Maestro decades ago.

Nagkomento rin ang ilang kilalang singers na “he deserved the prestigious award”.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ipagpapatuloy ni Maestro Ryan ang nasimulan niyang misyon sa paglinang sa talent ng kabataan, lalo na sa sining ng musika.

Taong 1972 nang itinatag ang National Artist award, during the administration of former President Ferdinand E. Marcos.

-REMY UMEREZ