SI Dingdong Dantes ang latest celebrity na binabash dahil lang sa nag-post ang aktor ng picture nila ni Sen. Risa Hontiveros. Ang caption lang larawan ay, “Happy to share the same advocacy with @hontiverosrisa. #ComingSoon #ForTheFilipinoFamily.”

Sen. Risa & Dingdong copy

Kahit sinabi na ni Dingdong na hindi siya tatakbo sa midterm elections sa 2019 dahil mas priority niya ang kanyang pamilya, may mga umaasa at nag-aakalang itutuloy pa rin ni Dingdong ang pagkandidato.

May mga nag-unfollow kay Dingdong dahil lang sa photo nila ng senadora and in fairness, may paliwanag sila sa pag-unfollow kay Dingdong. Mahal daw nila si Dingdong at ang pamilya nito, pero ayaw nila kay Sen. Hontiveros.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Siguro naman ay nababasa ni Dingdong ang mga comment ng followers niya, pero tama rin ang sabi ng iba niyang followers na hintayin munang ianunsiyo ni Dingdong ang sinasabing collaboration ng aktor at ng naturang senador bago mam-bash.

Samantala, tapos ng mag-shooting si Dingdong ng MMFF entry nilang Fantastica na pinagbibidahan ni Vice Ganda, kaya makakapag-focus na siya sa taping ng action/drama series nila ni Dennis Trillo sa GMA-7 na Cain at Abel.

Panay na ang plugging ng network sa series at nagsasagawa na rin ng mall shows ang dalawang aktor para i-promote ang serye, dahil sa November na raw ang airing. Matitindi ang mga eksenang ipinapakita sa teaser, lalo tuloy nasasabik ang mga Kapuso viewers na mapanood ito.

-Nitz Miralles