KUNG mahina ang puso mo, hindi mo dapat panooring mag-isa ang All Souls Night, na showing na ngayong Miyerkules sa maraming sinehan, handog ng Viva Films at Aliud Entertainment.

Andi

Isang masayang pamilya sina Yayo Aguila at Allan Paule kasama ang anak nilang si Lhian Gimeno, na introducing sa pelikulang idinirek nina Aloy Adlawan at Jules Katanyag.

Sa simula ng pelikula ay nakitang papasok sa lumang bahay sina Yayo at Lhian na may hawak na lobo ang bagets na tuwang-tuwa, habang naiwan muna sa labas si Allan at nang akmang papasok na ay biglang may masamang nangyari sa kanya. Kung anuman iyon, mas magandang panoorin sa sinehan simula ngayon.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

Si Andi Eigenmann naman ang kasambahay na bagong pasok sa pamilya nina Yayo at Allan, na inirekomenda ng umalis nilang kasambahay.

Nagtataka si Andi kung bakit pinagbabawalan siya ni Yayo na lumabas ng bahay at bawal ding dinadalaw. Hanggang sa natuklasan na niya kung bakit—kayo na mismo ang makakaalam kapag pinanood n’yo ang All Souls Night.

Dahil takot talaga kaming manood ng suspense-horror movies, halos wala kaming ginawa kundi magtakip ng mukha saka magtatanong sa katabi namin kung ano ang nangyayari, habang umaalingawngaw ang nakakatakot talagang musika. Ito siguro ‘yung binabanggit ni Direk Yam Laranas na Scandinavian tone.

Apat lang ang karakter nina Direk Aloy at Direk Jules sa All Souls Night, at pawang magagaling, kasama na ang batang si Lhian na mahusay para sa isang baguhan. Sana ay mapansin siya para sa ibang projects.

Hindi na dapat pang kuwestiyunin ang husay sa pagganap nina Yayo at Allan, habang natural naman ang acting ni Andi, kaya pakiwari namin ay minani lang niya ang pelikula.

Gaya ng sinabi ni Direk Yam na mas gusto niyang mag-produce at magdirek ng horror films dahil gusting-gusto ng mga Pinoy na tinatakot ang sarili nila, kaysa maburyong kayo sa traffic at bago n’yo gunitain ang Undas, manood na lang muna kayo ng All Souls Night, para sa absolute All Souls’ Day feel.

-REGGEE BONOAN