Iginiit kahapon ni Vice President Leni Robredo na karapatan ng mamamayan na malaman ang sitwasyon ng utang ng pamahalaan na lalo pang lumaki at umabot na ng P7.16 trilyon nitong nakaraang buwan.

Ito ay nang hilingin ni Robredo sa Duterte administration ang pagkakaroon ng transparency kaugnay ng paggastos sa pondo ng bayan.

“Dine-demand natin sa pamahalaan na maging transparent, malaman natin kung saan siya napupunta,” paglilinaw ng Bise Presidente nang kapanayamin ng mga mamamahayag sa Legazpi City, Albay.

Tinukoy niya ang mga inutang ng gobyerno na gagamitin sa “Build, Build, Build” infrastructure program nito.Binigyang-diin niya na kailangan din ng publiko na malaman ang mga proyektong galing sa China.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Sana alam ito ng taumbayan. Gaya sa amin, nahihirapan kami maghanap ng data. Kaya iyong sa akin lang, iyong parati nating dine-demand, transparency, para maging accountable naman ‘yung mga tao,” aniya.Inihalimbawa rin ni Robredo ang hindi pagbibigay sa kanya, at sa kanyang mga kababayan sa Bicol, ng malinaw na impormasyon kaugnay ng Philippine National Railways (PNR) Bicol Express, ang rail system project na magdudugtong sa Bicol mula sa Manila.

Dahil dito, aniya, ay hindi alam ng mga ito ang kanilang aasahan sa proyekto.

“What happen to the pledges by China before? The PNR, the people of Albay and Camarines Sur have been waiting for this,” ani Robredo.

Sa pinakahuling impormsyon ng Bureau of Treasury (BOT), natuklasan na nitong Setyembre, umabot na ang kabuuang utang ng Pilipinas sa P7.16 trilyon, o mas mataas ng P55.92 bilyon kumpara sa sinusundang buwan.

-Raymund F. Antonio