NADOMINA ng defending champion Diliman College Blue Dragons ang San Beda Red Lions, 91-71, para manatiling malinis ang karta sa senior division semifinals ng 16th Fr. Martin Cup Division 2 basketball tournament sa St. Placid gymnasium sa Mendiola, Manila.

PILIT na binubuwag ni Junior Aroga ng Diliman College Blue Dragons ang depensa ng San Beda Red Lions sa isang tagpo ng kanilang laro sa Fr. MartinCup.

PILIT na binubuwag ni Junior Aroga ng Diliman College Blue Dragons ang depensa ng San Beda Red Lions sa isang tagpo ng kanilang laro sa Fr. MartinCup.

Hataw si Kevine Gandjeto ng game-high 16 puntos para sa Blue Dragons na nakopo ang ikawalong sunod na panalo.

Tumibay ang kampanya ng Blue Dragons na makausad sa championship sa ikalawang sunod na season sa pakikipagtuos sa Letran Knights.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Itinakda ni Commissioner Robert de la Rosa ang final showdown ganap na 12:00 ng tanghali bukas.

Naisaayos ng Knights ang finals showdown sa Blue Dragons nang gapiin ang Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa Marshalls, 94-80.

Sa junior division, hataw si Ymard Urbano sa natipang 18 puntos para sandigan ang La Consolacion College-Manila Baby Blue Royals sa 105-78 panalo kontra Paco Citizens Academy Foundation.

Makakaharap ng Baby Blue Royals sa finals ang First City Providential College of Bulacan, nagwagi kontra St. Joseph-Bulacan, 101-93, sa winner-take-all champion match ganap na 10:30 ng umaga.

Kumubra si Theo Pabico ng 24 puntos, habang umiskor si John Matthew Bravo ng 22 puntos para sa FCPC.

Nakamit ng Red Lions ang semis berth nang maungusan ang LCCM Blue Royals, 75-71, habang nagwagi ang PCC sa University of Perpetual Help-Molino, 88-84, at nanaig ang PLMUN Marshalls sa Arellano University Chiefs