Ipinasa ng Kamara ang House Bill 8217 na magtatatag sa sistema na tinatawag na Consolidated Poverty Data Collection (CPDC) upang matukoy ang mga benepisaryo at masiguro ang kanilang proteksiyon, kagalingan at kabutihan.
Inakda ni Rep. Jose Enrique Garcia III (2nd District, Bataan), itinatadhana ang paggamit ng CPDC system alinsunod sa polisiya ng Estado na mapalaya ang mga tao mula sa kahirapan sa pamamagitan ng mga patakaran na magkakaloob ng sapat na social services, magandang pamumuhay, trabaho at kaginhawahan.
Ang CPDC system ay tumutukoy sa “generation of data at the local level which serves as basis in targeting poor households in the planning, budgeting and implementation of government programs geared towards poverty alleviation.”
-Bert De Guzman