PATULOY sa pagpapakitang-gilas ang rookie sensation na si CJ Cansino ng Universtiy of Sto. Tomas sa UAAP Season 81 Men’s Basketball Tournament.

 TALIKURAN! Nagunahan sa posisyon ang mga player ng Adamson at University of the Philippines sa maaksiyong tagpo ng kanilang laro sa UAAP men’s basketball championship nitong Linggo sa FilOil Center. Nagwagi ang Falcons, 80-72. (RIO DELUVIO)


TALIKURAN! Nagunahan sa posisyon ang mga player ng Adamson at University of the Philippines sa maaksiyong tagpo ng kanilang laro sa UAAP men’s basketball championship nitong Linggo sa FilOil Center. Nagwagi ang Falcons, 80-72. (RIO DELUVIO)

Sa nakaraang 79-68 na panalo ng Growling Tigers kontra University of the East Red Warriors na nag-angat sa kanila sa ika-4 na posisyon sa standings, nagposte si Cansino ng isang historic performance.

Ang nangungunang Rookie of the Year candidate ang naging unang rookie na nakapagtala ng triple-double mula noong 2003, makaraang umiskor ng 20 puntos, 14 rebounds, at 10 assists.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Dahil sa nasabing performance, nakamit niya ang kanyang ikalawang Chooks-to-Go/Collegiate Sports Press Corps UAAP Player of the Week award.

Hindi naman ikinagulat ni UST coach Aldin Ayo ang ipinamalas ng kanyang top rookie.

“I know that ever since na kinuha ko si CJ, ang goal ko sa kanya is matulungan siya na mag-materialize lahat ng potential niya,” pahayag ni Ayo.

“CJ is full of potential, gusto lang namin mag-materialize iyon. I hope hindi siya makuntento, he continues improving. The good thing about CJ is that he always responds whenever sinasabihan namin,” aniya.

Ibinalik naman ni Cansino ang kredito sa sistema ni Ayo.

“Masaya syempre dahil nakuha ko yung triple-double pero sinunod ko lang kasi ‘yung sistema na sharing the ball, na lahat kailangan gumana. Thankful ako sa sistema dahil nag-fit ito sa’kin,” ani Cansino.

Inialay ng dating UAAP Juniors MVP, ang kanyang performance sa kanyang mga coaches at sa UST community.

“Oo, inspired ‘di lang dahil birthday ko, dahil (din) sa mga tao na grabe ‘yung mga sinasakripisyo sa team, lalo na ‘yung coaching staff. ‘Yung last game namin, ang pangit so para sa kanila talaga ‘to, to the community, and the coaches na sobra magsakripisyo sa team.”

Tinalo ni Cansino para sa award ang kanyang teammate na si Marvin Lee at sina Thirdy Ravena ng Ateneo De Manila University, Brandon Bates ng De La Salle University, at Jerrick Ahanmisi ng Adamson University.

-Marivic Awitan