MATAGAL na sa mundo ng telebisyon ang GMA7’s Bubble Gang at Pepito Manaloto na pinamumunuan ni Michael V.

Bitoy copy

“Yes, 23 years na kami sa ‘Bubble Gang’ at nine years sa ‘Pepito Manaloto’ and counting.” Masayang bungad sa amin ni Michael V. nang makatsikahan namin siya sa press set visit sa taping nila sa Casa Milan ng Pepito Manaloto sitcom.

Dalawampu’t tatlong taon nang umeere ang Bubble Gang at nine years na ang Pepito Manaloto. Wow! Edi, puwede na siyang ihilera sa top 10 showbiz millionaires sa ‘Pinas?

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

“Ganu’n ba ‘yon? Hahaha! Hindi yata. Dapat top ten longest running program, puwede ‘yan. Puwede ako diyan, pero ‘yung millionaire parang …hahaha… ‘yung character lang ‘yon,” kontrang sabi ni Bitoy.

O, sige na nga.

Nagbibigay rin ba siya ng suggestions para mas lalong maging creative at tumagal ang dalawa nasabing programs?

“Dito sa Pepito Manaloto, ako ang creative director. Actually, sa Bubble Gang medyo naglie-low ako ng konti sa pagiging creative dahil may isa pa kaming project na tinatapos na medyo hindi pa puwedeng i-reveal for now.”

Another tv show?

“Not necessarily. Pero it’s another project.”

Pelikula?

“I will not confirm nor deny it, hahaha!”

Anyway, excited si Bitoy sa 23rd anniversary presentation ng Bubble Gang sa November. Naiiba raw ito dahil parang movie o teleserye ang style. Noong nakaraang taon ay musical stageplay ang presentation nila.

Basta masaya siya sa nangyayaring development sa Bubble Gang na number one pa rin at walang katulad na ibang show sa ngayon, sa true lang.

-MERCY LEJARDE