Nagpatupad kahapon ng limitadong biyahe ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Sa abiso ng LRT Authority (LRTA) sa kanilang Twitter account, nabatid na dakong 8:28 ng umaga nang ipatupad ang limitadong biyahe mula Santolan Station sa Pasig City hanggang V. Mapa Station sa Sta. Mesa, Manila lamang at pabalik, habang wala munang biyahe mula sa V. Mapa Station patungong Recto Avenue at pabalik.

Hindi malinaw kung ano ang dahilan ng provisional service ng LRT-2. Bumalik sa normal ang serbisyo ng tren ganap na 8:51 ng umaga. Humingi ng paumanhin ang LRTA sa naganap na aberya. “Full service resumed at 8:51 a.m. Some services may still be subject to delays. Thank you for bearing with us,” anang LRTA.

-Mary Ann Santiago
Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji