HINDI nagpatinag ang Ateneo-Motolite sa karibal na pinangungunahan ng mga dating idolo at alumni para maiposte ang 25-18, 25-20,15-25,23-25,15-12 panalo sa Creamline sa pagpapatuloy ng PVL Conference nitong Linggo sa Batangas City Arena.

Dikdikan ang laban sa fifth at decider set, umiskor ng apat na sunod na puntos si dating UAAP 3-time MVP Alyssa Valdez upang ibigay sa Cool Smashers ang 12-10 , bentahe mula sa 6-8 na pagkakaiwan.

Mula roon,umigting ang depensa ng Ateneo at umiskor sina Ponggay Gaston at Bea De Leon bago sinelyuhan ng rookie na si Vanie Gandler ang panalo sa pamamagitan ng game-winning block kay Valdez.

Nauwi sa wala ang itinalang season-high 32 puntos ng National mainstay dahil di nito naisalba ang Cool Smashers na nagtamo ng 37 errors.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I really commend my players for stepping up under pressure. Creamline is such a veteran team with great players,” ani Ateneo head coach Oliver Almadro.

“It’s a great opportunity for us to learn kasi nga, as I’ve been saying, every game is a learning game for us. Slowly, we’re getting to where we want to be.”

Tumapos namang topscorer si Kat Tolentino para sa Ateneo na may 22 puntos kasunod si De Leon na may 15 puntos.

Dahil sa panalo, umangat ang Ateneo sa ibabaw ng team standings hawak ang markang 7-2 kasunod ang Creamline na bumaba sa kartadang 6-2.

-Marivic Awitan