Hiniliing ni Senador Nancy Binay na agad aksyunan ang kanyang panukala na itaas ang age of consent ng kabataan mula sa 12-anyos at gawing 16-anyos kasunod ng panggagahasa ng isang pulis sa isang 15-anyos na dalagita.
Noong Hulyo, ikinasa ni Binay ang Senate Bill No 1859 para itaas sa 16-anyos mula sa kasalukuyang 12-anyos ang age of consent sa statutory rape.
“Our anti-rape law says it will only be considered statutory rape if the child is below 12 years old or is mentally challenged. Bilang mga magulang, it is our commitment to protect our children from sexual predators,” ani Binay.
Batay sa ulat, ginahasa ang dalagita kapalit ang kalayaan ng kanyang magulang na nahuli dahil sa droga.
“Magiging liable for statutory rape na ang taong nagkaroon ng sexual relations or intercourse sa isang menor na below 16 years old kung itataas natin ang age of consent,” ani Binay.
-Leonel M. Abasola