Tiniyak ni reigning WBA Asia flyweight titlist Jayseber Abcede ng Pilipinas na hindi siya malalaglag bilang No. 11 contender kay WBA flyweight champion Artem Dalakian ng Ukraine nang patulugin sa 8th round ang pinasisikat na Japanese rookie boxer na si Seiko Yuri Akui sa kanilang sagupaan sa Suntopio, Soja, Okayama, Japan kamakalawa ng gabi.
Ito ang ikatlong sunod na panalo ni Abcede mula nang matalo kay Ivan Soriano noong Disyembre 16, 2017 sa Makati Cinema Square Boxing Arena sa Makati City sa kanilang laban para sa bakanteng OPBF Silver light flyweight title.
Naagaw ni Abcede ang WBA Asia flyweight title nang patulugin niya sa 2ndround si world rated Thai Yutthana Kaensa noong nakaraang Mayo 18 sa Bangkok, Thailand.
Tinalo ni Abcede sa puntos ang kababayang si Mike Kinaadman noong nakaraang Agosto 27 sa Baliguian, Agusan del Norte bago kumasa kay Akui.
Napaganda ni Abcede ang kanyang rekord sa 18 panalo, 8 talo na may 12 pagwawagi sa knockouts samantalang bumagsak ang kartada ni Akui sa 12-2-1 na may 8 pagwawagi sa knockouts.
-Gilbert Espeña