KABUL (AFP) – Pinasabog ng isang suicide attacker ang kanyang sarili malapit sa isang sasakyan habang papasok sa head office ng Independent Election Commission (IEC) ng Afghanistan kahapon, na ikinasugat ng anim katao.

‘’The explosion happened 20 metres from the vehicles of the IEC employees,’’ sinabi ni Kabul police spokesman Basir Mujahid.

Apat na empleyado ng IEC at dalawang pulis ang nasugatan, aniya.

Nangyari ang pag-atake habang inihahatid ang ballot boxes ng legislative election mula sa iba’t ibang bahagi ng magulong bansa sa guwardiyadong IEC compound sa kabisera ng Afghanistan.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'