Isang bagitong pulis ang inaresto matapos na umano’y manggahasa ng dalagita kapalit ng paglaya ng mga magulang nito, na inaresto dahil sa drug charges, sa Sampaloc, Maynila.

PULIS NA RAPIST? Iniharap ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar sa media si PO1 Eduardo Valencia, na akusado sa panghahalay sa isang 15-anyos na babae sa Sampaloc Station 4 sa Maynila. (ALI VICOY)

Nakatanggap ng sermon si PO1 Eduardo Valencia, ng MPD- Sampaloc Police Station, mula kay NCRPO chief, Police Director Guillermo Eleazar.

Matapos mag-inspeksyon sa Manila North Cemetery, agad na dumiretso si Eleazar sa Sampaloc Police Station at dito iniharap sa kanya si PO1 Valencia, na detenido na.

Akbayan, kinatigan kilos-protesta kontra mina sa Dupax Del Norte

Inaresto si Valencia sa Dimasalang Street, matapos na iturong gumahasa sa 15-anyos na babae kapalit ng paglaya ng mga magulang nito, bandang 2:30 ng hapon.

Patung-patong na kasong kriminal, kabilang na ang rape at grave misconduct, ang isinampa laban sa pulis. Maghahain din ng hiwalay na kasong administratibo ang NCRPO laban sa suspek.

-Mary Ann Santiago