Payag si Defense Secretary Delfin Lorenzana, ng Department of National Defense (DND), sa mungkahi na i-deploy ang mga sundalo sa Bureau of Customs (BoC) para tumulong sa pagpapatakbo sa ahensiya.

Gayunman, ayon kay Lorenzana, kung may ide-deploy mang mga sundalo sa BoC ay pansamantala lamang habang nasa proseso pa si newly appointed Customs chief, retired General Rey Leonardo Guerrero sa pagbuo ng sariling trusted civilian team.

Ayon kay Lorenzana, walang problema sa kanya ang temporary deployment ng mga sundalo sa BoC.

Sinabi naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo na nakahanda ang militar na tumulong sa dating chief-of-staff.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Giit ni Arevalo, nais nilang tumulong sa dati nilang pinuno para maging matagumpay ang misyon nito sa Customs.

Una rito, itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Guerrero bilang bagong Customs chief, kapalit ni Isidro Lapeña.

Inatasan ni Duterte si Guerrero na gamitin ang technical people mula sa Philippine Army at Philippine Coast Guard (PCG) para linisin ang ahensiya.

-FER TABOY