Tinatayang aabot sa 3,500 pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang titiyak sa seguridad sa mga sementeryo sa Metro Manila para sa nalalapit na Araw ng mga Santo at Araw ng mga Kaluluwa sa Nobyembre 1 at 2, 2018, ayon sa pagkakasunod.

PARA SA MAPAYAPANG UNDAS Upang personal na matiyak ang seguridad ng mga dumadagsang pasahero, nagsagawa ng occular inspection si NCRPO Director Guillermo Eleazar sa isang bus terminal sa Cubao, Quezon City, kahapon. (ALVIN KASIBAN)

PARA SA MAPAYAPANG UNDAS Upang personal na matiyak ang seguridad ng mga dumadagsang pasahero, nagsagawa ng occular inspection si NCRPO Director Guillermo Eleazar sa isang bus terminal sa Cubao, Quezon City, kahapon.
(ALVIN KASIBAN)

Mas mataas ito kumpara sa 3,238 pulis na una nang ipinahayag na idi-deploy para sa operational plan (Oplan) “Ligtas Undas 2018”, ayon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar.

Ito ay matapos ipahayag ni Eleazar ang karagdagang precautionary measures upang matiyak ang seguridad sa iba’t ibang lugar kabilang ang 81 sementeryo at 30 columbaria sa buong Metro Manila, terminals, train stations, paliparan at pantalan.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“The deployment of NCRPO personnel will serve as augmentation in the conduct of preventive patrol operations, anti-criminality and anti-drug campaigns,” ani Eleazar.

“Also, beat patrollers together with K9 handlers and explosive ordnance experts will be posted in key security areas and vital installations,” dagdag niya.

Sisimulan ang pagpapakalat ng mga pulis sa Miyerkules, Oktubre 31, upang paghandaan ang pagdagsa ng mga bisita sa sementeryo na inaasahang aabot sa milyun-milyon. Matatapos ang kanilang trabaho sa Biyernes ng gabi, Nosbyembre 2.

Ipinag-utos din ni Eleazar sa lahat ng police units sa ilalim ng Metro Manila police na doblehin ang police visibility upang masiguro ang kaligtasan ng publiko sa darating na Undas.

Nakipag-ugnayan na rin ang NCRPO sa iba pang government agencies gaya ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Bureau of Fire Protection (BFP), concerned local government units at iba pang volunteer groups upang paglingkuran ang publiko.

“We ask for your cooperation and support to our police personnel for the peaceful and orderly manner of remembering our departed loved ones,” pagtatapos ni Eleazar.

-Martin A. Sadongdong at Mary Ann Santiago