Hinikayat ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga academic institutions, estudyante, employers, stakeholders at mga ahensiya ng gobyerno na tumulong upang maihanda sa “global competitiveness” ang mga manggagawang Pilipino.

Ito ang ipinahayag ni TESDA Officer-in-Charge, Deputy Director General for Policies and Planning Rosanna A. Urdaneta sa kanyang talumpati sa 2018 TVET Research Forum na tinawag na “Exploring New Trends in TVET in Response to the Changing World of Work,” na inorganisa ng TESDA nitong Oktubre 11.

Layunin ng nasabing forum na mangalap ng mga bagong tuklas, konklusyon at rekomendasyon mula sa mga TVET-related studies sa buong bansa, talakayin ang maging implikasyon at bumuo ng mga pag-uugnayan mula sa mga dumalong TVET partner para sa mga isasagawang aksiyon at pagtutulungan sa hinaharap.

Dumalo sa nasabing pulong ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang academic institutions, industry organizations, stakeholders at mga ahensiya ng gobyerno.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

-Bella Gamotea