NEW YORK (AP) — Naitala ni Stephen Curry ang panibagong marka sa NBA sa naisalpak na pitong three-pointer para pangunahan ang Golden State Warriors sa naiskor na 35 puntos laban sa Brooklyn Nets, 120-114, nitong Linggo (Lunes sa Manila).
Nag-ambag si Kevin Durant ng 34 puntos sa Warriors.
Nagawang makadikit ng Nets, ngunit isinantabi ito ni Curry sa naisalpak na three-pointer para mailayoa ng iskor sa 115-108 may 1:07 ang nalalabi sa laro.
Nailista ni Curry ang lima o higit pang three-pointer sa pitong sunod na laro, sapat para mabura ang record ni George McCloud na anim na sunod na laro noong 1995-96 season.
Nanguna si D’Angelo Russell sa Nets sa natipang 25 puntos at tumipa si Caris LeVert ng 23 puntos sa Nets.
Hataw si Draymond Green sa season-high 13 assists.