Ni Edwin Rollon

KABUUANG 150 estudyante ng Fortune Elementary and High School sa Marikina City ang nabigyan ng kaalaman hindi lamang sa basic ng sports na volleyball at basketball bagkus sa pagkakaroon ng disiplina at teamwork na magagamit nila sa pangaraw-araw na pamumuhay.

MASAYANG nagpakuha ng groupie ang mga kalahok at organizers ng Warner TV ‘Beyond the Hoop’ sports advocacy program

MASAYANG nagpakuha ng groupie ang mga kalahok at organizers ng Warner TV ‘Beyond the Hoop’ sports advocacy program

Sa pamamagitan ng Youth Sports Advocacy Philippines, Inc., at pakikipagtulungan ng Warner TV, isinagawa ang ‘Beyond the Hoop’ project kung saan sumailalim sa masinsin na pagsasanay ang mga batang kalahok sa mahigit na isang buwan na pagtuturo at pagsasanay.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

“Today is the culmination of the group’s learning and training for more than one month. After waking up early for training then going to school for their studies, makikita natin sa mga bata kung hanggang saan yung natutunan nila,” pahayag ni Toni Faye Tan, founder at president ng YSA.

Taliwas sa pangkaraniwang ‘sports camp’ kung saan kailangan magbayad ng mga kalahok para matutunan ang sports na nais nila, ang ‘Beyond the Hoop’ program ay libre para sa mga kalahok na tunay na magpapakita nang determinasyon na matuto at umangat sa sports.

“Yung mga bata, hindi lang namin sila sinasanay sa laro, but we build their character through hardwork, determination and discipline. After this training, I’m sure yung natutunan nila madadala nila sa bahay sa eskwelahan at sa pakikisalamuha sa kapwa,” pahayag ni Tan, dating volleyball varsity ng University of the Philippines at sumabak sa commercial league para sa koponan ng RC Cola.

“Marami kaming dapat pasalamatan. The barangay executive for helping us to get the permission of the parents. The school administration for allowing us to use the school as venue and of course to Warner TV for believing on us,” sambit ni Tan.

Ikinalugod naman ng Warner TV ang matagumpay na pagsasagawa ng programa na anila’t naaayon sa plataporma ng kompanya na nakalinya sa sports development program.

“We’re here today at the Warner TV ‘Beyong the Hoop’ partnership with Youth Advocacy Philippines training program were we have under privilege kids and guide them through a boot camp were we impart values of teamwork, discipline and hardwork,” pahayag ni Jia Salindong-Du, Warner TV Country head.

Tulad ni Tan, isa ring dating atleta si Jia bilang miyembro ng basketball team ng Ateneo de Manila.

Aniya, magpapatuloy ang suporta ng Warner TV sa programa.