SINA Robert Seña at Isay Alvarez ay tulad din ng ibang couple. Sinubok din ang kanilang relasyon ng mga problema at tumamasa rin sila ng kasiyahan, at pinatatag ng panahon sa loob ng mahigit dalawang dekada.
N a n g ma g k a r o o n n g pagkakaroong makapanayam si Isay kamakailan, tinanong namin sa kanya kung ano ang sekreto sa kanilang masaya at matagumpay na buhay mag-asawa.
“It’s because we love each other,” panimula niya.
Kalaunan, ibinahagi rin niya ang mga detalye ng kanilang relasyon. Isa mga bagay na nakaapekto rito ay dahil parehas silang mahilig sa musika. Schoolmates sila noong kolehiyo pero hindi nagtagpo ang landas nila hanggang sa magkita sila nang kapwa magtanghal sa 1989 London production ng award-winning musical na Miss Saigon.
“He is the type of guy who never failed to surprise me,” pagbabalik-tanaw ni Isay, at sinabi niyang lagi siyang pinadadalhan ni Robert ng mga regalo at bulaklak tuwing rehearsal.
Nang mga panahon na iyon ay magkatrabaho pa sila. At obviously, hindi nito naapektuhan ang kanilang mga personal na buhay.
“I’m used to working with him. It’s like buy one, take one. I found it really hard to work solo, I always want to see him,” aniya. “Yes, there are times we are in a bad mood but we are professionals. If I see him mad and I know that it could affect me while performing, I just ignore it. I think that’s the secret to our chemistry. It’s also nice that we get to travel together because of work.”
Nang tanungin kung anong kanta ang maglalarawan sa kanilang masayang pagsasama, All I Ask Of You ang sabi ni Isay na mula sa Phantom Of The Opera.
Awit niya: “Say you love me every waking moment/Turn my head with talk of summertime/Say you need me with you now and always/Promise me that all you say is true/That’s all I ask of you…”
Samantala, sina Robert at Isay ay dalawang performer sa kagaganap lamang na OPM Playlist concert.
A n g event ay dinaluhan ng mahigit isandaang artist na nagsanib-puersa para sa six-day celebration ng Filipino musical talent, sa lahat ng genre at decades.
“I’m very proud to be part of this event. Actually when Mr. Ryan Cayabyab asked us several months ago to participate, we immediately said yes. This is a special event because it opens doors for Filipinos to appreciate the kind of music we have,” sabi ni Isay.
Binanggit din niya na ang OPM ay mas humuhusay pa dahil sa mga bagong talented y oun g a r t i s t s n a umaawit sa iba’t ibang musi c a l genres. Ayon kay Isay, na ilang dekada na sa industriya, ang sekreto para t uma g a l s a insdutriya ay “reinvention.”
“I always try to do something new, try to always improve. We don’t stop learning, we push ourselves to the limit.”
Ang salitang retirement ay wala sa kanyang bokabularyo. Gayunman, inamin niyang may mga pagkakataong napapagod siya hanggang sa kuwestyunin na niya ang kanyang kakayahan bilang artist.
“You know, it’s always difficult before the show. You get nervous, you get worried the audience will not appreciate your effort. But once I get on stage, my doubts disappear. I make sure that whatever happens, I will give my 100 percent to the performance.”
As for future projects, ibinunyag ni Isay na kasalukuyan nilang pinaghahandaan ang re-staging ng Dirty Old Musical, tampok ang kanyang asawa kasama sina John Arcilla, Michael Williams, Bo Cerrudo, at Nonie Buencamino.
-REGINA MAE PARUNGAO