Lakers at LeBron, naunsiyami ng Spurs sa ikalawang pagkakataon

SAN ANTONIO (AP) — Nagsalansan si DeMar DeRozan ng 30 puntos, 12 rebounds at walong assists para sandigan ang Spurs sa come-from-behind, 110-106 panalo kontra sa Los Angeles Lakers nitong Sabado (Linggo sa Manila).

(AP Photo/Eric Gay)

(AP Photo/Eric Gay)

Hataw si LeBron James sa nakubrang 35 puntos at 11 rebounds sa isa pang mapait na kabiguan ng Lakers.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Naghabol ang Spurs sa unang tatlong period bago naagaw ang bentahe sa 93-91 mula sa putback sa sariling mintis na tira ni DeRozan may 10 minuto ang nalalabi sa fourth period.

Nagawang makaungos ng San Antonio sa walong puntos bago naibaba ni James sa 106-105 mula sa apat na sunod na tira at assist kat Josh Hart para sa three-pointer.

Nakabawi naman si DeRozan sa fadeaway sa harap ngdepensa ni Hart may 15.9 segundo ang nalalabi.

Nag-ambag si Rudy Gay ng 16 puntos at tumipa si LaMarcus Aldridge ng 15 puntos para sa ikalawang panalo ng Spurs sa Lakers ngayong season.

Kumana si Kyle Kuzma ng 15 puntos para sa Los Angeles, habang umiskor si Lance Stephenson ng 14 puntos.

BUCKS 113, MAGIC 91

Sa Milwaukee, ratsada sina Giannis Antetokounmpo sa naiskor na 21 puntos at Khris Middleton na tumipa ng 18 puntos sa panalo ng Bucks kontra Orlando Magic.

Naitala ng Bucks ang ikaanim na sunod na panalo, isang panalo ang layo para mapantayan ang marka na naitala ng prangkisa noong 1971-72 season.

Sariwa pa sa impresibong 125-95 panalo sa Minnesota Timberwolves nitong Biyernes kung saan naitala ng Bucks ang 19 three-pointers sa 46 na tira, kumonekta ang Milwaukee ng 10-of-30 shots sa long range laban sa Magic.

Nanguna si Nikola Vucevic sa Orlando na may 16 puntos at siyam na rebounds , habang kumana si D.J. Augustin ng 11 puntos.

HEAT 120, BLAZERS 111

Sa Miami, sinandigan ni Goran Dragic sa naiskor na 28 puntos ang Heat kontra Portland TrailBlazers.

Abante ang Miami sa pinakamalaking 19 puntos, nguit naghabol sa final quarter bunsod nang mainit na opensa ng Blazers, sa pangunguna ni Lillard na kumana ng 42 puntos.

“We knew they were going to make their run,” pahayag ni Dragic, umarya sa career 10,000-point mark. “We knew we just had to stick to our game plan and we did.”

Nag-ambag sina Kelly Olynyk at Dwyane Wade n g tig-19 puntos para sa Miami.

Kumana naman si CJ McCollum ng 19 puntos sa Portland.

GRIZZLIES 117, SUNS 96

Sa Memphis, Tennessee, ratsada ang Grizzlies sa final period para palubugin ang Phoenix Suns.

“I think defense is what really keys and starts our offense for us,” sambit ni Mike Conley, tumapos na may 18 puntos at pitong assists.

“Gives us easy opportunities. Gives us a different flow, a different rhythm.It allows us to play with a little more pace and get guys more opportunities.”

Pinangunahan ni Mark Gasol ang Memphis sa naiskor na 19 puntos, hagang kumana sina MarShon Brooks ng 18 puntos, Garrett Temple ma may 15 puntos at Wayne Selden na may 14.

“We want to be a versatile offensive team where you can’t key in on one or two guys to shut us down,” pahayag ni Memphis coach J.B. Bickerstaff.