Nagdesisyon ang Bureau of Immigration na mula sa missionary visa ay gawing temporary visitor ang visa ng madreng si Patricia Fox.

Sa utos na nilagdaan ng BI board of commissioners nitong Oktubre 24, si Fox ay pinagkalooban ng temporary visitor status na tatagal ng 59 na araw.

Ayon kay BI Spokesperson Dana Krizia Sandoval, napagdesisyunan ito matapos na hindi payagan ang pagpapalawig sa kanyang missionary visa.

“Downgrading reverted her status to a temporary visitor, and she is given 59 days from the day her missionary visa expired last September 5,” ani Sandoval.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Matatandaang si Fox ay may separate deportation order mula sa BI, na kanyang inapela sa Department of Justice (DoJ).

Hinihintay pa ng BI ang desisyon ng DoJ bago paalisin ang madre, ani Sandoval.

-Jun Ramirez