Iginiit kahapon ni Eastern Samar (Lone District) Rep. Ben Evardone na dapat makasuhan ang mga nasa likod ng substandard housing program na nakalaan sa mga biktima ng lindol sa Central Visayas noong 2017.

Ito ang reaksiyon ni Evardone nang mapanood niya sa social media ang viral na footage hinggil sa mahinang pagkagawa ng pabahay sa Ormoc, Leyte na para sana sa mga naapektuhan ng lindol noong Hulyo 2017.

“Charges should really be filed against those responsible,” diin ng kongresista.

Tinukoy niya ang sunud-sunod na Facebook videos, na may petsang Setyembre 24, 2018, kung saan nakitang ininspeksiyon ni Ormoc City mayor Richard Gomez ang isang bahagi ng housing unit sa Barangay Gaas.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sa nasabing footage, dismayado ang alkalde sa pamnunuan ng

National Housing Authority (NHA) dahil pinapayagan nila ang contractor ng proyekto na gumamit ng mahinang kalidad ng hollow blocks.

Napansin naman ng mambabatas ang pader ng nasabing nabanggit na pabahay na “wala sa ayos” dahil hindi ito ginamitan ng interlocking system na magpapatatag sana sa istruktura.

-Ellson A. Quismorio