Patay ang isang dalaga nang barilin ng hindi pa nakikilalang gunman sa bahay nito sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital si Jazmin Ashley Diaz, 21, ng Phase 7B Block 16 Lot 13, Bagong Silang, Barangay 176 ng nasabing lungsod.

Ayon sa kaibigan ng biktima, ang suspek ay nasa edad 20-25, may taas na 5’4”, katamtaman ang pangangatawan, blonde ang buhok, nakasuot ng pulang T-shirt, shorts na maong at tsinelas.

Sa salaysay ni Jayviegar Jackson, kaibigan ng biktima, nag-iinuman silang magkakabarkada sa rooftop ng bahay ni Diaz, sa ganap na 2:45 ng madaling araw.

Akbayan, kinatigan kilos-protesta kontra mina sa Dupax Del Norte

Makalipas ang ilang sandali, umakyat ang suspek na may hawak na baril at inutusan ang magkakaibigan na yumuko.

Sumunod ang lahat maliban kay Diaz at kinompronta ang suspek kung bakit ito umakyat sa rooftop.

Hindi pa nasiyahan ang biktima, kinuha nito ang suot na tsinelas at isinampal sa mukha ng suspek.

Dahil dito, binaril ng armado si Diaz at tinamaan sa dibdib.

Ayon sa mga pulis, posibleng may hinahanap ang suspek sa mga kainuman ng biktima at hindi ang biktima ang pakay nito.

-Orly L. Barcala