Para mabigyan ng mas maraming pagpipiliian ang mga estudyante na mag-aral sa ibang bansa, isang multi-city study abroad fair ang gaganapin ngayong Nobyembre.

Magdadaos ang Edukasyon.ph, ang nangungunang EdTech startup sa Pilipinas, ng “Wanderfest.” Ito ay libreng international educational fair na ginaganap dalawang beses sa isang taon, kung saan makadidiskubre ang mga kalahok ng mga eskuwelahan, kurso, at scholarship opportunities na magbibigay sa kanila ng opsiyon para mag-aral sa ibang bansa.

Gaganapin ang educational fair sa Glorietta 2 Activity Center sa Makati City sa Nob. 9, habang ang Visayas leg ay gaganapin sa Nob. 11 sa Ayala Center sa Cebu City.

Mahigit 20 paaralan ang nakikipagtulungan sa Edukasyon.ph bilang exhibitors sa “Wanderfest,” kabilang ang partner foreign schools tulad ng Reedley International School, Asia Pacific University of Technology & Innovation, at Waseda University.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Sinabi ni Edukasyon.ph CEO Henry Motte-Muñoz na binibigyang lakas ng inisyatiba ang mga estudyante “with the opportunity to study abroad can make a difference in their lives as well.”

Bukas ang “Wanderfest” sa lahat mula sa education sector, lalo na ang senior high school students, college students, young professionals, parents, at guidance counselors.

Ang mga interesadong lumahok sa Metro Manila at sa Cebu ay maaaring mag-register online. Tatanggapin din ang walk-ins ngunit ipaprayoridad ang registered participants at bibigyan ng guaranteed spots.

-Merlina Hernando-Malipot