BORACAY ISLAND - Suportado ng grupo ng mga negosyante sa Boracay Island ang rekomendasyon ng inter-agency task force ng pamahalaan na kanselahin ang lisensya ng tatlong casino sa isla.

HINDI PA TAPOS? Tila naging itim ang buhangin sa Boracay Island matapos ang anim na buwang rehabilitasyon, kahapon. (TARA YAP)

HINDI PA TAPOS? Tila naging itim ang buhangin sa Boracay Island matapos ang anim na buwang rehabilitasyon, kahapon.
(TARA YAP)

Sa panayam, inihayag ni Boracay Foundation, Inc. (BFI) executive director Pia Miraflores na matagal na nilang inayunan ang nasabing panukala ng gobyerno bago pa man isara sa publiko ang nasabing pangunahing tourist destination sa bansa noong Abril 26, eksaktong anim na buwan na nakalilipas kahapon.

“We’re happy in a way. It is aligned with what we wanted, but it’s not entirely what we wanted,” aniya.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Nauna nang hiniling nina Secretary Roy Cimatu, ng Department of Environment and Natural Resources (DENR); Bernadette Romulo-Puyat, ng Department of Tourism (DoT); at Eduardo Año ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa

Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na ibasura ang lisensiya ng mga casino sa isla.

Ayon kay Miraflores, dati na nilang tinututulan ang plano ng Galaxy Entertainment Group (GEG) at Leisure Resorts World Corp. (LRWC) na magtayo ng casino sa 23-ektaryang lupain ng Boracay.

Aniya pa, bago pa magdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na isara sa turista ang isla ay nag-o-operate na ang mga

small-time casino kung saan ang mga banyaga lamang ang pinapahintulutang maglaro.

Nanawagan naman sa publiko ang Department of Tourism (DoT), partikular sa mga turista, na maging responsable kasunod ng pagbubukas ng isla, kahapon.

“The Boracay experience is the ultimate lesson in balancing development and protecting the environment. The lessons here are not for Boracay alone, but also for the other island destinations around our beautiful country,” pahayag ni Puyat nang dumalo ito sa re-opening ceremony ng isla.

“The reopening of Boracay is not just the culmination of our journey on sustainable tourism, it is just the beginning. Together, let us ensure that generations from now, our children, our children’s children will still say that ‘it is more fun in the Philippines,” dagdag pa ni Puyat.

-Analou De Vera at Tara Yap