Nag-isyu si Commissioner Caesar R. Dulay ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng isa pang travel order na inililipat ang 15 revenue district officers (RDO) sa bagong lugar sa pagsisikap na maabot ang target na P2.039 trilyon collection ngayong taon.

Ang RDOs na binigyan ng bagong assignments ay sina Miguel Morada, mula Ilagan, Isabela ay ililipat sa Caloocan City; Corazon Balinas, mula Caloocan City sa Mandaluyong City; Socrates Regala, mula South Quezon Province sa Malabon; Alfredo Santos, mula Malabon sa Plaridel, Bulacan; Christine Cardona, mula Tarlac City sa Marikina City.

Maglangit Decampong, mula South Cebu City sa Mandaue City; Wrenolph Panganiban, mula Baguio City sa Tarlac City; Ed Castillo mula sa opisina ng Davao revenue regional director sa Cotabato City; Aldo Esmena mula Calasiao, Pangasinan sa Tagbilaran City; Tohammie Yahya mula Tagbilaran City sa Alaminos, Pangasinan.

Chairmaine Dela Torre, mula Alaminos sa San Fernando, La Union; Josie Lourdes Tang, mula Mandaue City sa Zarraga, Iloilo; Malik Umpar, mula Cotabato City sa South Cebu City; Maria Isabel Utit, mula Urdaneta, Pangasinan sa Bayombong, Nueva Viscaya at Cesar Balangatan, mula Bayombong sa Ilagan, Isabela.

Plot twist? Bianca kinilig na sana, pero hindi pinili ni Dustin bilang duo

-Jun Ramirez