Inaasahan na ang pag-uwi sa bansa ng 21 Pinoy seaman na na-stranded sa India ng apat na buwan, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa datos na natanggap ng DFA mula kay Ambassador to India Ma. Teresita Daza na nasa Philippine Embassy sa New Delhi, binanggit na hinihintay na lang ang final exit clearance ng mga seaman.

Nauna nang inihayag ni Daza na nagsampa ang mga pribadong abogado ng kaso sa korte nitong Miyerkules kasabay ng pag-a-apply nila ng exit clearances sa Lunes.

Naiulat na 21 tripulante ng M/V Evangelia M ang na-stranded sa katimugang pantalan ng Kakanada City, simula pa noong Hunyo matapos silang abandonahin ng may-ari ng barko.

Sino-sino nga ba ang 16 na abogadong dedepensa kay VP Sara sa impeachment trial?

-Bella Gamotea