Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

8:00 n.u. -- Mapua vs San Beda (jrs)

10:00 n.u. -- CSB-La Salle Greenhills vs JRU (jrs)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

1:30 n.h. -- Lyceum vs Letran (srs)

4:00 n.h. -- San Beda vs Perpetual (srs)

MULING maitakda ang pagtutuos sa Finals ang tatangkain ng nakaraang taong finals protagonists Lyceum of the Philippines University at San Beda sa pagsisimula ngayong hapon ng NCAA Season 94 Basketball Tournament Final Four round sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Sisikapin ng dalawang koponan na magamit ang taglay nilang bentaheng twice-to-beat bilang insentibo sa pagtatapos na top 2 sa nakaraang double round eliminations.

Ngunit, sigurado namang di basta-basta na lamang susuko at papatalo ang kanilang mga katunggali, ang third seed Letran Knights na makakatapat ng second seed Lyceum at ang fourth seed Perpetual Help kontra top seed at defending champion San Beda.

Kapwa magtatangka ang Knights at ang season host Altas na makahirit ng rubbermatch upang patuloy na buhayin ang kanilang tsansa na makatungtong ng kampeonato.

Umaasa si Red Lions coach Boyet Fernandez na magagawa nilang maulit ang naitalang 80-72 huling panalo sa pagtatapos ng elimination round kontra Altas para sa ika-12 sunod nilang panalo ngayong season.

Patas naman sa 1-1 ang marka ng Lyceum at Letran ngayong season kung kaya’t inaasahang higit na magiging mainit ang tapatan ng magkapitbahay sa Intramuros lalo pa’t naging kontrobersyal ang panalo ng huli sa second round.

Inaasahang mangunguna para sa Pirates at magbabawi matapos umaming nawala at hindi nakapag deliver sa huli nilang laro kontra San Beda si reigning MVP CJ Perez.

Mauuna rito, magsisimula na rin ang Final Four round sa juniors division.

Magtutuos sa unang Final Four pairings ang second seed Malayan Science High School at third seed San Beda ganap na 8:00 ng umaga habang magsasagupa sa ikalawang laban ganap na 10:00 ng umaga ang top seed at reigning champion La Salle Greenhills at 4th seed Jose Rizal University.

-Marivic Awitan