NAKAMIT ng Team Philippines ang apat na ginto at dalawang silver medals sa katatapos na Thailand Pattaya Youth Chess Championship 2018 na ginanap sa Bay Beach Resort Pattaya, Banglamung, Chin Buried sa Pattaya, Thailand.

TINANGGAP ni Gio Troy Ventura ang certificate at premyo nang pagbidahan ang 12-under class

TINANGGAP ni Gio Troy Ventura ang certificate at premyo nang pagbidahan ang 12-under class

Sina Clark Jemuel Cabatian ng General Trias City Chess Club at Gio Troy Ventura ng Dasmariñas Chess Academy ang nanguna sa Young PH woodpushers sa standard time control format.

Giniba ni Cabatian si Thunpisit Pa-In ng Thailand sa final round para magkampeon sa nine-round tournament, Under 8 category.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ang 8 years old Cabatian, grade 3 pupil ng John Isabel Learning Center Inc. sa General Trias City, Cavite ay nakakolekta ng 7.5 points mula sa seven wins, one loss at one draw.

Sa panig naman ni Ventura ay mas mataas na 47.5 tie break points ang naitala kontra sa 46.5 ni Arena International Master (AIM) Bhattacherjee Aayush ng India para maghari sa Under 12 division.

Ang 11 years old Ventura, grade 6 student ng Francisco E. Barzaga Memorial School sa Dasmariñas City, Cavite ay nakalikom ng 8 points mula sa seven wins at two draws.

Ang nine years old na si Relghie Columna, grade 4 pupil ng John Isabel Learning Center Inc. at 9 years old Bonjoure Fille Suyamin, grade 3 pupil ng Del Rosario Christian Institute ng General Trias City, Cavite ay nakapag-uwi din ng gold medals sa boys at girls under 10 division, ayon sa pagkakasunod.

Ang 9 Years old na si Jirah floravie Cutiyog, grade 4 pupil ng Bethel Academy ay nakaparehistro ng 5.5 points tungo sa country’s silver medal sa girls under 10 habang nagpakitang gilas din ang 11 years old na si Geraldine Mae Camarines, grade 6 pupil ng Bethel Academy na nakaipon din naman ng 5.5 points para maangkin ang silver medal sa girls under 12.

Ang PH team ay pinangunahan nina Ms. Baby Lyn Kempiz ng City Mayor’s Office ng General Trias City, Cavite at PH coach Ederwin Estavillo na presidente din ng General Trias City Chess Club.

Ang nasabing koponan ay inendorso ni Fide Arbiter Red Dumuk, ang executive director ng National Chess Federation of the Philippines na sinuportahan naman ng local government ng General Trias City, Cavite sa pangunguna nina Mayor Antonio “Ony” Ferrer at Congressman Luis “Jon-jon” Ferrer at local government ng Dasmariñas City, Cavite sa gabay nina Mayor Elpidio “Pidi” Barzaga Jr. at Congresswoman Jenny Barzaga at ng Philippine Sports Commission.