Patay ang police officer ng Kamuning Police Station 10 nang mahulog at pumutok ang baril nito at tamaan sa pantog, iniulat kahapon.

Kinilala ni Police Supt. Benjie Louise Tremor, Jr., hepe ng Quezon City Police District-Police Station 10, ang nasawi na si Police Insp. Ceferino Gatchalian, commander ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU).

Sa imbestigasyon, nagbibihis si Gatchalian sa quarter ng police station nang mahulog ang kanyang .45 caliber at pumutok at tinamaan ang kanyang pantog, bandang 7:00 ng umaga.

Agad na isinugod sa East Avenue Medical Center (EAMC) si Gatchalian, subalit dead-on-arrival.

Akbayan, kinatigan kilos-protesta kontra mina sa Dupax Del Norte

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

-Jun Fabon