WASHINGTON (AP) – Patuloy ang paghananap ng mga imbestigador sa salarin at mga motibo sa likod ng kakatwang mail-bomb plot na tumarget sa mga kritiko ni President Donald Trump, inaanalisa ang bawat detalye ng crude devices para malantad kung ang mga ito ay ginawa para pasabugin o para lamang manakot bago ang Election Day.

Tatlong pang devices ang iniugnay sa plano — dalawang ipinadala kay dating Vice President Joe Biden at isa sa aktor na si Robert De Niro — umabot sa 10 sa kabuuan. Nagbabala ang mga awtoridad na mas marami pa ang maaaring darating.

Sinabi ng law enforcement officials na ang mga bomba, naglalaman ng timers at batteries, ay hindi ginawa katulad ng booby-trapped package bombs na sasabog kapag binuksan. Ngunit hindi pa rin sila nakatitiyak kung hindi lamang maganda ang pagkagawa ng device o hindi ito ginawa para makapinsala. Nabunyag sa paghahanap sa postal database na ang ilan ay ipinadala mula sa Florida. Tinututukan ng mga imbestigador ang isang postal facility sa Opa-locka, Florida, kung saan pinaniniwalaan nilang nagmula ang ilang packages.

Sa panayam ng Fox News Channel Homeland nitong Huwebes ng gabi, inamin ni Security Secretary Kirstjen Nielsen na ang ilang packages ay nanggaling sa Florida.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Lumutang ang mga bagong detalye tungkol sa devices sa pagkalat ng four-day mail-bomb scare sa buong bansa, na nagbunsod ng dose-dosenang imbestigasyon ng federal, state at local agencies sa pagsisikap na matukoy ang isa o maraming salarin.

Kabilang sa mga tinarget sina dating President Barack Obama, Hillary Clinton, CNN at Rep. Maxine Waters of California. Halata ang common thread ng mga ito: mga batikos kay Trump na madalas sagutin nito ng mas maanghang batikos.

Naghasik ng takot sa buong bansa ang packages habang naghahanda ang mga botante para bumoto sa Nobyambre 6 para husgahan ang partisan control ng Congress. Hindi pa rin natutukoy maging ang sender, at ginamit ng mga politiko sa magkabilang partido ang mga banta para kondenahin ang toxic political climate at magsisihan.