Magandang balita sa mga motorista!

Asahan ang ikatlo sa serye ng oil price rollback na ipatutupad sa bansa sa susunod na linggo.

Sa taya ng industriya ng langis, posibleng mabawasan ng P1.34 ang kada litro ng gasolina, habang 44 sentimos naman ang matatapyas sa diesel.

Ang nagbabadyang bawas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Akbayan, kinatigan kilos-protesta kontra mina sa Dupax Del Norte

Nitong Oktubre 22, bumaba ng P1.85 ang kada litro ng gasolina, habang 90 sentimos ang nabawas sa diesel at kerosene.

Batay sa dalawang-linggong oil price rollback nitong Oktubre 15 at 22, umabot na sa kabuuang P2.70 ang natapyas sa presyo ng gasolina, P1.55 sa diesel, at P1.10 naman sa kerosene.

-Bella Gamotea