PARA sa mga edad 12 taong gulang pababa, ang pag-inom ng decongestants ay makatutulong para maibsan ang karaniwang sintomas ng sipon, gaya ng pagbabara ng ilong, ngunit ang mga ganitong medikasyon ay maaaring hindi ligtas para sa mga edad 12 pababa, ayon sa bagong pag-aaral.

Para sa matatanda, may maliit na ebidensiya na ang pagkonsumo ng decongestant ay nakatutulong sa congestion o hirap sa paghinga, isa sa pinaka-nakakairitang sintomas ng sipon. Para sa mga bata, wala pang malinaw na ebidensiya na epektibo nga ito, ngunit maraming pananaliksik na ang nagpakita ng “mild or potentially dangerous” side effect nito, saad ng study team sa The BMJ.

“The common cold is very common and affects everyone all over the world,” lahad ng pangunahing awtor na si Dr. Mieke van Driel, ng University of Queensland sa Brisbane, Australia.

Virus ang karaniwang sanhi ng pagkakaroon ng sipon, na kadalasang tumatagal ng pito hanggang 10 araw, sabi pa ng mga awtor. Typically, ang mga bata ay nakararanas ng colds nang anim hanggang walong beses sa isang taon, at ang matatanda ay dalawa hanggang apat.

UP, DLSU sanib-pwersa sa pagpapaunlad ng lipunang Pilipino

Upang malaman kung anong mga sintomas ang laging tinutukoy ng mga pasyente na talagang nakaapekto sa kanila, nagtanong si Dr. Mieke at kanyang mga kasamahan sa 10 customer na naghahanap ng over-the-counter treatment sa isang community pharmacy sa Belgium, kung aling epekto ng colds ang concern nila.

“Evidence about health is only relevant if it addresses things that matter to patients,” sabi ni Dr. Mieke. “We wanted to make sure our evidence summary was useful to them and asked them to guide us.”

Iginiit ng mga customer na ang mga sintomas sa ilong ang kanilang pinaka-iniisip, kaya nagdesisyon ang research team na ituon ang kanilang research review sa mga uri ng paggamot sa congestion, runny nose at sneezing.

Overall, nadiskubre nila ang maliit na ebidensiya na magsusuporta sa ideya na ang anumang over-the-counter cold treatment ay nakatutulong sa nasal symptoms, at an mga gamot ay may mga side effect, gaya ng insomnia, pagkahilo, pananakit ng ulo, at pananakit ng tiyan.

Napag-alaman din nila, sa pamamagitan ng ilang trial sa mga bata na edad 12 pababa, ang mababang ebidensiya na ang saline irrigations o drops ay liftas sa mga bata. May ilang maliliit na pag-aaral naman na nag-ulat ng kabaligtaran na resulta hinggil sa pagiging epektibo ng decongestant at antihistamine sa mga bata.

Hindi rin napatunayan na mapabubuti o mapagagaan ng antibiotics at intranasal corticosteroids ang mga naturang sintomas.

Sa mga “natural” remedy naman, napag-alaman ng mga mananaliksik na ang clinical trials na nag-iimbestiga sa Echinacea, vitamin C, zinc lozenges, at heated humidified steam ay hindi rin nakatutulong para maibsan ang mga sintomas sa ilong na dulot ng colds.

“Vitamin C is usually perceived as an effective, harmless and inexpensive therapeutic alternative,” pahayag ni Angela Ortigoza, ng Pontifical Catholic University sa Santiago, Chile. Wala siyang kinalaman sa kasalukuyang pag-aaral.

Kahit na nakatutulong ang vitamin C sa immune system, ang pag-inom nito para makaiwas sa colds ay hindi kadalasang nagiging epektibo, anila.

“It might be difficult to make patients desist from such deep-rooted preconceived ideas, even considering the certainty of this evidence, so variability in decision-making is to be expected,” dagdag pa ni Angela.

Hindi nakahanap ang study team ng anumang pag-aaral sa probiotics, garlic, Chinese medicinal herbs, vapor rub, eucalyptus oil, honey, ginseng o mataas na fluid intake para sa nasal cold symptoms.

Samantala, mayroong 17 ongoing trials na nag-iimbestiga sa mga karaniwang gamot o solusyon sa sipon.

“There are some trials in the pipeline studying herbal remedies, but we think it is unlikely that these products will be effective enough to make a real difference in well-being and illness,” sabi ni Dr. Mieke. “The search for a ‘magic bullet for the common cold’ may need to take another approach.”

Reuters