Inabsuwelto ng mababang hukuman ang anak ng tinaguriang ‘drug queen’ na si Yu Yuk Lai sa kasong drug charges.

MALAYA KA NA Inabsuwelto at pinalaya mula sa pagkakakulong si Diana Yu Uy, anak ng tinaguriang ‘drug queen’ na si Yu Yuk Lai, sa drug charges dahil sa kakulangan umano sa probable cause. (ALI VICOY)

MALAYA KA NA Inabsuwelto at pinalaya mula sa pagkakakulong si Diana Yu Uy, anak ng tinaguriang ‘drug queen’ na si Yu Yuk Lai, sa drug charges dahil sa kakulangan umano sa probable cause. (ALI VICOY)

Sa ruling ni Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 49, Hon. Judge Daniel Villanueva, hindi sapat ang ebidensiya laban sa akusadong si Diana Yu Uy sa kasong paglabag sa Section 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kaya inabsuwelto.

Ipinags-utos din ng hukuman ang pagpapalaya kay Yu mula sa Manila City Jail.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Ayon sa hukuman, ang search warrant laban kay Uy ay “invalid” dahil sa kawalan ng probable cause.

“In view of all the foregoing, it having been found and declared that search warrant no. 5011(17) was invalid for lack of probable cause, and that all the contraband seized are inadmissible in evidence and for the lack of merit of the evidence in chief, and on ground of reasonable doubt, the court hereby acquits the accused of the offense as charged,“ nakasaad pa sa desisyon ni Villanueva.

Sinabi rin ng hukuman na ang mga umano’y kontrabandong nakumpiska mula kay Uy ay hindi katanggap-tanggap bilang mga ebidensiya dahil sa matibay na ebidensiyang posibleng itinanim lamang ang mga ito.

Matatandaang si Uy ay inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanyang condominium unit sa San Miguel, Maynila noong Nobyembre 2017.

Sa nasabing raid, nakumpiska ang halos P10 milyong shabu na nakasilid sa mga plastic bags.

-MARY ANN SANTIAGO