Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Center)

4:30 n.h. -- NLEX vs Alaska

7:00 n.g. -- Magnolia vsTNT

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

MAKASIGURO ng playoff para sa huling quarterfinals berth ang tatangkain ng magkapatid na koponang NLEX at TNT sa pagsagupa sa kasalukuyang lider Alaska at Magnolia sa PBA Governors Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Magkasalo sa ikalimang puwesto taglay ang parehas na markang 4-5, ang kabiguan ay maglalagay sa alanganin sa tsansa ng dalawang koponan na umusad ng quarterfinal round.

Katabla naman sa kasalukuyan ng Barangay Ginebra sa liderato hawak ang magkahalintulad na barahang 7-2, pananatilihin naman ng Aces at Hotshots ang kanilang pamumuno.

Unang maghaharap sa pambungad na laro ganap a 4:30 ng hapon ang Road Warriors at ang Aces at susunod ang Hotshots at ang Katropa ganap na 7:00 ng gabi.

Mahalaga sa NLEX at TNT ang panalo dahil nakaabang lamang sa likuran nila ang Meralco na mabibigyan ng tsansa kung magwawagi ito sa huli nitong laro.

Sa panig naman ng Aces at Hotshots, kapwa nila aasintahin ang kanilang ikawalong panalo upang makasiguro ng twice-to-beat incentive sa quarters.

Pawang galing sa kabiguan sa mga nakaraan nilang laro, magkukumahog na makabalik sa winning track ang Road Warriors, Hotshots at Katropa habang sisikapin ng Aces na dugtungan ang panggagalingang back-to-back wins.

Huling natalo ang NLEX sa Bolts noong Oktubre 14 sa iskor na 105-108 at nabigo rin ang Hotshots sa kamay ng Bolts noong Oktubre 19,88-94 habang yumukod sa San Miguel ang Katropa noong Sabado, 96-107 sa larong idinaos sa Calasiao, Pangasinan.

-Marivic Awitan